Dumalo nitong Sabado, Nobyembre 2, 2019 sa Tashkent, Uzbekistan si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-18 Pulong ng Konseho ng Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Li na nitong nakalipas na 18 taon sapul nang itatag ang SCO, sa mula't mula pa'y nananatiling mainam ang pag-unlad nito, at mabungang mabunga ang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Aniya, sa SCO summit sa Bishkek noong nagdaang Hunyo, iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatatag ng mas mahigpit na community with a shared future ng SCO. Saad ni Li, sa kasalukuyan, masalimuot at malalimang pagbabago ang nagaganap sa kalagayang pandaigdig, malinaw na dumarami ang mga di-matatag at di-tiyak na elemento, at humina ang lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig. Dapat pahigpitin ng mga kasaping bansa ng SCO ang pagkakaisa at pagtitiwalaan, payamanin ang nilalaman ng kooperasyon, magkakapit-bisig na harapin ang mga hamon, mainam na ipatupad ang mga komong palagay na narating sa Bishkek Summit, at pasulungin ang kooperasyon ng SCO, dagdag niya.
Dumalo rin sa nasabing pulong ang mga punong ministro ng Uzbekistan, Rusya, Kazakhstan, Republika ng Kyrgyzstan, at Tajikistan, mga kinatawan ng pamahalaan ng Pakistan at India, at mga kinatawan ng mga bansang tagamasid.
Salin: Vera