|
||||||||
|
||
Inilabas Huwebes, Hulyo 9, 2020 ng China Society for Human Rights Studies ang artikulong pinamagatang "Malubhang Pagtatangi at Malupit na Pakikitungo sa Mga Mandarayuhan," na lubusang nagbubunyag ng pagka-ipokrito ng Amerikanong estilong karapatang pantao.
Anang artikulo, patuloy na tumitindi ang pagkiling na panrelihyon, pagtatanging kultural, at pagboykot na panlahi ng pamahalaang Amerikano na nakatuon sa mga mandarayuhan.
Saad ng artikulo, sa pamamagitan ng mga patakaran ng extreme xenophobia, ginigipit ng Amerika ang ibang lahi, at nilalapastangan ang pundamental na karapatan at dignidad na personal ng mga mandarayuhan, bagay na nagbubunyag ng pagka-ipokrito ng umano'y "Amerikanong estilong karapatang pantao."
Diin ng artikulo, ang pagiging eksklusibo ng patakaran sa pandarayuhan ng Amerika ay humantong sa paglala ng mga kontradiksyong panlipunan, at nagdulot ng malubhang bunga.
Ang malaking alitan sa iba't ibang sirkulo dahil sa patakaran sa pandarayuhan ay nagpapasidhi rin ng paghihiwalay sa loob ng lipunan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |