|
||||||||
|
||
Beijing - Sa eksklusibong panayam kamakailan ng Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG) kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, ipinahayag niyang malapit nang mai-ahon ng Tsina ang lahat ng Tsino mula sa galamay ng kahirapan.
"Napipinto na ang pagpuksa ng Tsina sa kahirapan," pahayag ni Sta. Romana.
Aniya, ayon sa ulat na inihayag sa National People's Congress (NPC), ang Tsina ay may 0.6% na poverty rate, at ang bansa ay nagpupunyagi upang mapuksa ang kahirapan, lalung-lalo na sa malalayong lugar.
"Ang karanasan ng Tsina sa pagpapabuti ng kabuhayan, partikular sa malalayong lugar ay isang bagay na karapat-dapat pag-aralan," diin ng embahador Pilipino.
Samantala, sa Pilipinas, ang poverty rate aniya ay nasa 15% hanggang 16%, kaya naman sinusubaybayan ng Pilipinas ang estratehiya ng Tsina.
Ani Sta. Romana, ang pagsisikap ng Tsina ay isang kagila-gilalas na gawain, at magsisilbing modelo para sa buong mundo, partikular para sa mga umaahong ekonomiya tulad ng Pilipinas.
Sa kabila ng pananalasa ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), target ng Tsinang mapawi ang karalitaan at bigyan ng may-kaginahawahang pamumuhay ang lahat ng Tsino sa katapusan ng taong 2020, kaya naman puspusan ang pagsisikap ng ibat-ibang ahensiya at departamento ng pamahalaan upang makamit ang mithiing ito.
Isa rin ang usaping ito sa mga napagdiskusyunan sa katatapos lamang na Dalawang Sesyon o Liang Hui, pinakamalaking taunang pagtitipon ng mga mambabatas sa Tsina.
Hanggang katapusan ng 2019, may 5.51 milyong mahihirap na mamamayan ang Tsina.
Nitong pitong dekadang nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949, mahigit 800 milyong mamamayang Tsino ang nakaahon sa karalitaan.
Palagay ni Sta. Romana, ang pagpuksa sa kahirapan ay isang bagay, at ang pagpuksa sa di-pagkakapantay-pantay ay isa pang bagay.
Sinabi ng embahador, napaka-interesanteng malaman kung ano ang susunod na hakbang ng Tsina matapos nitong maitayo ang may-kaginhawahang lipunan.
"Paano mas lalo pang pabubutihin ang istandard ng pamumuhay ng mga mamamayan? Ito ay bagay na mahigpit nating susubaybayan," saad ni Sta. Romana.
Ulat: Rhio
Video: Wang Zixin
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |