Ipagbabawal mula Disyembre 31, 2020, ng Britanya sa mga telecoms operators na bumili ng bagong 5G na kagamitan sa Huawei. Aalisin ang lahat ng 5G na produkto ng Huawei na ginagamit din kasalukuyan sa network.
Ipinatalastas ito Hulyo, 14, 2020, ni Oliver Dowden, UK Secretary of State for Digital, Culture, Media and Sport.
Hinggil dito ipinahayag ni Ed Brewster, Tagapagsalita ng Huawei UK, na ito'y masamang balita para sa lahat ng cellphone users sa Britanya. Dahil dito, mapupunta ang Britanya sa mabagal na serbisyong-digital, tataas ang bayarin at mas lalaki ang agwat na digital sa bansa.
Ayon pa rin sa tagapagsalita, sa halip na pagpapaunlad, ibaba nito ang kalidad ng serbisyo. Naging pulitikal ang usapin ng pag-unlad ng Huawei sa Britanya, ito'y epekto ng patakarang pangkalakalan ng Amerika sa halip ng isyu ng kaligtasan. Nitong nakaraang 20 taon, walang humpay na nagsisikap ang Huawei para itatatag ang isang Britanya na may mas maunlad na telekomunikasyon, at bilang isang responsableng kumpanya, patuloy na ipagkakaloob ng Huawei ang suporta para sa mga customers sa hinaharap.
Salin:Sarah