Magkasanib na itinatag kamakailan sa Nur Sultan ng Huawei Company, telecom giant ng Tsina, at Kazakh telecom company ang isang 5G testing zone. Ginagamit dito ang pinakahuling henerasyong 5G smart phone para subukin ang 5G mobile service na nakuha ang mabuting bunga.
Ipinahayag ng opisyal ng pamahalaang Kazakh na nitong mahigit 20 taong nakalipas sapul nang makapasok ang Huawei sa telecom market ng Kazakhstan, nakuha nito ang pagkilala ng pamahalaan at mga mamamayan nito. Umaasa aniya siyang patuloy na magkakaloob ang Huawei Company ng pinakamodernong 5G technology sa kanyang bansa para makapagbigay ng ambag sa konstruksyon at pag-unlad ng bansang ito.
Salin: Lito