|
||||||||
|
||
Bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, ginanap ang Hand in Hand Drawing Contest. Inanyayahan sa pasuguan at ginawaran kahapon Hunyo 22, 2020 ni Ambassador Huang Xilian, embahador ng Tsina sa Pilipinas ang mga nanalo.
Sa awarding ceremony, tinanggap ng mga nanalo ang certificate at premyong framed art works na may autograph ni Ambassador Huang.
Ipinahayag ng isang nanalo na ang inspirasyon ng kanyang drowing ay mula sa mahabang kasaysayan ng imigrasyon at kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. At nitong ilang daang taong nakalipas, nananatiling nagtutulungan ang Tsina at Pilipinas, partikular na sa paglaban sa kasalukuyang epidemiya, nakapagbigay ang Tsina ng malaking suporta sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ambassador Huang, na ang Tsina at Pilipinas ay parang magkapatid, may pagkakaiba pero, patuloy na nagmamahalan at sinusuportahan ang isa't isa. Mataas na pinapurihan ni Huang ang pagkakaisa at kabutihang-loob na ibinigay ng Pilipinas sa simula ng epidemiya ng coronavirus at nangakong patuloy na kakatigan ng Tsina ang Pilipinas sa pagharap sa epidemiya.
Nanawagan pa si Huang sa mga nanalo na maging cultural ambassadors at patuloy na magsikap para mapabuti ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng dalawang bansa at muling bisitahin ang embahada pagkatapos ng epidemiya.
Ulat: Sissi
Pulido: Mac/Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |