Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kwento ng pagsisimula ng negosyo ni Fang Haibin sa Shenzhen

(GMT+08:00) 2020-07-18 15:55:51       CRI

Ang Shenzhen, natatagpuan sa baybaying-dagat sa dakong timog silangan ng Tsina, ay isang lunsod na pinakamaagang isinagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Ito rin ay isang lunsod ng mga mandarayuhan. Sa 20 milyong populasyon sa Shenzhen, 15 milyon ay mga migrante. Sa kasalukuyan, mula 400 hanggang 500 libo ang karagdagang bilang ng mga permanenteng residente sa lunsod na ito.

Lunsod ng Shenzhen  ng Tsina

Para sa mga mandarayuhan, ipinatupad ng Shenzhen ang isang serye ng preperensyal na patakarang kinabibilangan ng walang bayad na pagkakaloob ng pundamental na pampublikong serbisyong pangkalusugan, pagkakaloob ng kompulsoryong edukasyon sa mga anak ng mga walang rehistro sa pagtira sa Shenzhen, pagpapalista ng mga angkop na migrante sa murang sistema ng pabahay at iba pa. Hanggang noong nagdaang Hunyo, pinasimulan ng Shenzhen Talents Housing Group Co. Ltd ang 42 kaukulang proyekto na may kaugnayan sa 57 libong tirahan.

Si FangHaibin

Sinimulan ni Fang Haibin ang kanyang negosyo habang nag-aaral sa unibersidad. Noong unang dako ng kanyang pagsisimula ng negosyo, kinaharap niya ang malaking kahirapan sa pondo. Sa mahirap na panahon, sinuportahan siya ng malaki ng Town Business Park ng Shenzhen University. Sinabi ni Fang na ipinagkaloob ng Town Business Park ang lahat ng tulong na kinakailangan ng mga bagong negosyante.

Bukod dito, pinagtipun-tipon ng lunsod Shenzhen ang mga elemento ng inobasyon mula sa iba't-ibang aspekto, bagay na nakakapagpaginhawa sa landas ng negosyo ni Fang sa hinaharap. Sa ngayon, nabuo ni Fang ang kaniyang maligayang pamilya sa Shenzhen.

Sa kasalukuyang Shenzhen, isa sa kada apat na tao ang nagsimula ng negosyo. Hanggang noong katapusan ng nagdaang Hunyo, umabot sa halos 3.14 milyon ang bilang ng mga commercial subject sa buong lunsod, at mahigit 40 libo ang karagdagang bilang ng mga kompanya tuwing buwan. Ang bilang at densidad ng pagsisimula ng negosyo ay nangunguna sa lahat ng malaki't katam-tamang lunsod ng Tsina.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>