|
||||||||
|
||
Paulit-ulit na tinatangka ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na painitin ang situwasyon sa South China Sea.
Para sirain ang relasyon ng Tsina at mga bansa sa timogsilangang Asya, pinipilit niyang igiit na ilegal ang pag-angkin ng Tsina sa soberanya, karapatan at pagsusulong ng kapakanan nito sa South China Sea.
Kasabay nito, maraming beses ding nagpalipad ng eroplano at nagpalayag barkong pandigma ang Amerika sa karagatang ito para magdulot ng probokasyon na hahantong sa armadong komprontasyon.Ang mga kaukulang kilos ng panig Amerikano ay lumalabag sa bukas na pangako nitong walang papanigan sa isyu ng soberanya sa SCS.
Dahil dito, ipinakikita ng Amerika na ito ay nawalan na ng rason, moralidad, at dignidad.
Para sa sariling kapakanang pulitikal, ginuguho ng ilang politikong Amerikano ang mabuting situwasyon sa SCS na nagsisilbing pinakamalaking tagasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ang kanilang pangunahing layon ay sirain ang matatag na relasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para maituloy ang estratehiya ng Amerika na pigilin ang pag-unlad ng Tsina.
Bukod dito, sa harap ng sustenableng pagkalat ng pandemic ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, ang paninira at panlilinlang ng ilang politikong Amerikano sa isyu ng SCS ay isang paraan para maibaling sa ibang panig ang kontradiksyong panloob ng bansa.
Samantala, ang panunulsol upang umigting ang situwasyon sa SCS ay nakakalikha rin ng mga pagkakataon upang maibenta ng Amerika ang mga sandata sa mga bansa sa rehiyong ito.
Ngunit, batid ng mga bansang ASEAN na imposibleng bigyang-pansin ng ilang politikong Amerikanong naggigiit ng prinsipyong "America First," ang kapakanan ng mga bansang ASEAN.
Itinuturing lamang ng ilang politikong Amerikano ang mga bansang ASEAN bilang kagamitan sa paghahanap ng sariling kapakanang pulitikal.
Sa kasalukuyan, ipinakikita ngpagkakabuo ng mekanismo ng pagsasanggunian sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, Tsina at Malaysia, at Tsina at Biyetnam tungkol sa isyung pandagat, ang substansyal na progreso sa ginagawang pagsisikap ng Tsina at mga kaukulang bansa para mapayapang malutas ang isyu ng SCS. Sa pamamagitan ng mapayapang pagsasanggunian, nawasak ng Tsina at mga bansang ASEAN ang panunulsol ni Pompeo.
Sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, naging matatag sa kabuuan ang situwasyon ng SCS.
May kakayahan at katalinuhan ang dalawang panig para resolbahan ang sariling problema.
Hindi kinakailangan at pinahihintulutan ang panghihimasok ng anumang bansa sa labas ng rehiyong ito.
Pinapayuhan din ng panig Tsino ang ilang politikong Amerikano na bigyang-pansin ang pagpigil at pagkontrol ng epidemiya sa kanilang sariling bansa, at agarang itigil ang paglikha ng hidwaan at kaguluhan sa komunidad ng daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |