|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos nitong Lunes, Setyembre 2, 2019 ng Amerika at sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang magkakasanib na ensayong militar sa isang naval base sa dakong silagan ng Bangkok, Thailand.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Zhang Jun, military observer ng Tsina, na lubos na umaasa ang panig Amerikano na sa pamamagitan ng ensayo, mapapalawak ang impluwensiya nito upang maapektuhan ang tunguhing estratehiko ng mga bansang ASEAN. Aniya, partikular sa isyung panseguridad nais ng Amerika na maengganyo ang mga bansang ASEAN na magpalit ng estratehikong direksyong paborable sa Amerika. Ngunit, hindi magtatagumpay ang gawain ng Amerika sa pagpapagulo ng situwasyon sa rehiyong ito, ani Zhang.
Ipinagdiinan din niya na napagkasunduan na ng Tsina at mga bansang ASEAN na kontrolin ang kanilang hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Di-aniya umaasa ang mga bansang ASEAN, na ang hidwaan sa South China Sea (SCS) ay makakaapekto sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang panig. Alam na ng mga bansang ASEAN ang totoong intensyon ng Amerika sa pakikisangkot sa isyu ng SCS, aniya pa.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |