|
||||||||
|
||
Winika ito ni Huang nang kapanayamin ng Manila Times.
Sinabi niyang noong ika-13 ng Hunyo, nang mag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas, ipinahayag minsan ni Pangulong Xi na pagkaraang madebelop ng Tsina ang bakuna, ito ay magiging produktong pampubliko at bibigyan ng Tsina ng priyoridad ang Pilipinas.
Sinabi pa ni Huang, na tuwang tuwa siya na makitang naaprobahan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang clinical trials ng bakunang Tsino. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng dalawang bansa ang mga may kinalamang kooperasyon para lumabas ang bakuna sa lalong madaling panahon.
Matatandaang sapul nang lumitaw ang epidemiya ng COVID-19 sa Pilipinas, nagpadala ang pamahalaang Tsino ng grupong medikal sa Pilipinas.
Kasabay nito, nag-donate na ang pamahalaang Tsino ng tatlong batch na medical supplies sa Pilipinas, na kinabibilangan ng 250 libong test kits, 130 ventilator, 1.87 milyong surgical masks at Personal Protective Equipment (PPEs).
Aktibo naman ang mga local governments, kompanya at NGOs ng Tsina sa pagdonate ng mga medical supplies sa kanilang mga counterparts at mga ospital sa Pilipinas.
Kamakailan, muling ibinigay ng pamahalaang Tsino ang mahigit 3 milyong kilo ng bigas sa Pilipinas na pinakinabangan ng mahigit 500 libong pamilya.
Ulat: Sissi
Pulido: Mac / Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |