Nang kapanayamin ng Manila Times, inulit ni Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas, na laging buong sikap at mapayapang nilulutas ng Tsina ang mga hidwaan sa South China Sea (SCS) sa mga direktang kasangkot na bansa na gaya ng Pilipinas, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Sinabi ni Huang na upang magkaloob ng isang balangkas para tugunan ang nasabing pagkakaiba, nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng buong sikap na pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), pinasusulong ng Tsina at Pilipinas, kasama ng iba pang mga bansang ASEAN ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea. Natapos na ng dalawang panig ang unang reading at nakatakdang tapusin ang ikalawang reading sa taong 2020.
Sinabi pa ni Huang na ang isyu ng SCS ay isang maliit na bahagi ng buong relasyong Sino-Pilipino. Hindi dapat maapektuhan ang panlahat na ugnayan ng dalawang bansa dahil dito, diin ni Huang. Kung labis na masalimuot ang hidwaan na hindi kayang lutasin sa malapit na hinaharap, dapat isaisang-tabi muna ang mga hidwaan at lutasin kapag maayos na ang panahon, saad ni Huang.
Salin: Ernest
Pulido: Mac / Jade