|
||||||||
|
||
Ipinahayag pa ni Huang, na maayos na nagbalik-trabaho ang lahat ng nakakontratang proyektong Sino-Pilipino at umabot na sa 80% ang buong production capacity.
Dagdag pa ni Huang, ayon sa estatistika ng panig Tsino, nitong nakalipas na 5 buwan ng taong ito, lumaki nang 82.5% ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas.
Upang manatili ang momentum at mapasigla pa ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa, pinag-uusapan ngayon ani Huang ng dalawang bansa ang pagtatatag ng "fast track" para sa pagdadalawan ng mga Tsino at Pilipino, at isang "green corridor" para sa daloy ng mga paninda.
Sinabi ni Huang na kinakaharap pa ng Tsina ang hamon ng COVID-19 na patuloy na kumakalat sa buong daigdig, pero, nagsisikap ang bansa para hanapin ang balanse sa pagitan ng pagkontrol ng epidemiya at pag-unlad ng ekonomiya, at makikita ang ilang magandang sinyales.
Halimbawa, noong ika-16 ng Hulyo, ayon sa datos na isinapubliko ng Pambansang Komisyon ng Estatistika, umabot sa 3.2% ang GDP ng Tsina nitong ika-2 kuwarter ng taong 2020 kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon na naging kauna-unahang pangunahing ekonomya na may paglaki ng kabuhayan sa gitna ng epidemiya. At tinatayang ibayo pang mapapanumbalik ang kabuhayang Tsino sa susunod na kalahating taon na maging puwersang magsusulong ng kabuhayan ng buong daigdig.
Ulat: Sissi
Pulido: Mac / Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |