Naglakbay-suri, Miyerkules, Hulyo 22, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa probinsyang Jilin, gawing hilagangsilangan ng bansa. Sa bayang Lishu, lunsod Siping, pumunta si Xi sa isang demonstration zone na nagpo-prodyus ng berdeng pagkain at dinalaw ang isang farmers' cooperative para alamin ang tunguhin ng produksyon ng pagkain, pangangalaga at paggamit ng black soil, pagsasamakina ng agrikultura, at iba pang kalagayan.
Pagkatapos nito, binisita rin ni Xi ang memorial hall ng Battle of Siping na instrumental sa liberasyon ng sambayanang Tsino at nagbigay-galang sa mga martyr.
Salin: Lito