|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina habang naglalakbay-suri sa probinsyang Jilin
Ang probinsyang Jilin ay matatagpuan sa gawing hilagang silangan ng Tsina, at katabing-katabi sa Hilagang Korea at Rusya.
Ang probinsyang Jilin ay pinagmulan ng 26.9 na milyong multi-nasyonalidad na kinabibilangan ng Han, Korean, Manchu, Mongolian, Hui, at iba pa.
Makaraang maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, ang probinsyang Jilin ay nagsilbing heavy industry base at pangunahing grain production area.
Dahil sa sasakyang de motor, nakilala ang FAW Jilin Automobile Co,.Ltd sa buong Tsina.
Dahil naman sa railway vehicle, nagiging bantog sa buong daigdig ang Changchun Railway Vehicle Co,.Ltd.
Mayaman ang probinsyang Jilin sa mga pagkaing gaya ng mais, paddy, bean, at ginseng, kaya naman tinagurian ito bilang "rice bowl" ng Tsina.
Sa pagpasok sa bagong siglo, ang lalawigan ay nagiging isang "ekolohikal na lugar" mula isang "kemikal na lugar." Mayroon itong luntiang tubig at bundok, at itim na lupa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |