Nitong Huwebes, Hulyo 23, 2020, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang Tianwen-1 probe o "quest for heavenly truth", kauna-unahang misyon ng eksplorasyon sa Mars ng Tsina. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mediang dayuhan na ang hakbang na ito ng Tsina ay naglalayong palakasin ang pagkuha nito ng namumunong kapangyarihan sa kalawakan.
Tungkol dito, ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Hulyo 24, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pananalita ay hindi angkop sa katotohanan. Aniya, ang aerospace industry ng Tsina ay mahalagang bahagi ng pagsisikap ng sangkatauhan sa mapayapang paggagalugad at paggamit ng kalawakan. Ito ay ginagamit para sa mapayapang layunin lamang, dagdag niya.
Salin: Lito