Alas-6 ng hapon, Martes, Mayo 5, 2020, matagumpay na lumipad, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Long March-5B carrier rocket ng Tsina. Ito ay katunayan sa matagumpay na 3rd step sa manned space program ng bansa.
Sinabi ni Zhou Jianping, Punong Tagadisenyo ng Manned Space Project ng Tsina, na sa kasalukuyan, tiyak na ang unang pangkat ng mga proyekto ng kooperasyong pandaigdig sa paggamit ng space station ng Tsina. Inilakip sa nasabing pangkat ng mga proyekto ang 9 na proyekto mula sa 17 bansa ng 5 kontinente sa mga larangang gaya ng space astronomy, microgravity fluid physics and combustion science, geoscience, paggamit ng bagong teknolohiya, space life science at biotechnology.
Salin: Vera