|
||||||||
|
||
Ngayong araw, Biyernes, Abril 24 ay Araw ng Kalawakan ng Tsina. Ang tema ng kasalukuyang Araw ng Kalawakan ay "Foster Space Spirit, Explore Starry Universe."
Noong Abril 24, 1970, sa pamamagitan ng Long March-1 carrier rocket, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang Dongfanghong-1, unang satellite ng bansa. Ito ay palatandaang ang Tsina ay ika-5 bansa sa daigdig na naglunsad ng sarilinang niyaring satellite, sa pamamagitan ng sarilinang niyaring rocket, kasunod ng Unyong Sobyet, Amerika, Pransya at Hapon.
Bilang paggunita sa nasabing milestone sa larangang pangkalawakan ng Tsina, noong 2016, idineklara ang Abril 24 bilang Araw ng Kalawakan ng bansa.
Salamat sa masigasig na pagpupunyagi ng mga personahe sa larangan ng kalawakan sa hene-henerasyon, hinanap ng Tsina ang isang landas ng pagpapaunlad ng usaping pangkalawakan na may katangiang Tsino at inisyatibang inobasyon.
Ang matagumpay na paglulunsad ng Dongfanghong-1 ay nagbukas ng kabanata ng pag-aaral ng mga Tsino ng kalawakan, mapayapang paggamit ng kalawakan, at paghahatid ng benepisyo sa sangkatauhan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |