Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapauna ng mga mamamayan, isinasagawa sa pakikibaka ng Tsina laban sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-07-29 16:01:13       CRI

Ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay krisis ng pangkalusugang pampubliko na pinakamabilis na kumakalat, pinakamalawak na nanghawa, at pinakamahirap na puksain sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949. Sa ilalim ng malakas na pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina na si Xi Jinping ang nasa sentro, iginigiit ng Tsina ang pagpapauna ng kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at pinapakilos ang buong bansa sa pangkalahatang pagpigil at pagkontrol laban sa epidemiya, kasama ng sambayanang Tsino, bagay na lubos na nagpapakita ng ideya ng karapatang pantao na ipinapauna ang mga mamamayan.

Sa proseso ng pakikibaka laban sa epidemiya, palagiang ginagawang pokus ng Tsina ang paggarantiya sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan nito. Tunay nitong ipinapatupad ang ideya ng karapatang pantao na "unahin ang mga mamamayan at buhay." Upang mapigilan ang pagkalat ng virus, sinuspinde sa Wuhan ang operasyon ng lahat ng bus, subway, lantsang pantawid, at long-distance transportation network, at pansamantalang sinarhan ang tsanel ng paliparan at istasyon ng tren na palabas sa lunsod na ito. Resulta nito, naka-lockdown ang Wuhan na may mahigit sampung milyong populasyon at naging traffic fortress ng Tsina. Ayon sa pag-analisa ng 15 top global research institutions, ang nasabing "pag-lockdown ng Wuhan" ay pinakamalaking insidente ng kuwarantina sa kasaysayan ng sangkatauhan na binubuo ng mahigit 700 libong nahawahan ng COVID-19 sa buong Tsina. Tinukoy ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na sa porma ng pagsakripisyo ng normal na pamumuhay, naka-ambag ang mga mamamayang Tsino para sa buong sangkatauhan.

Makaraang ipatupad ang lockdown ang lunsod Wuhan, 346 na grupong medikal at 42600 tauhang medikal mula sa iba't-ibang lugar ng bansa at hukbo ang ini-organisa para mabigyang-tulong ang probinsyang Hubei. Nagpunyagi sa unang linya ang top 10 academician team, at magkakasunod na pumunta sa Hubei ang halos 1/10 kilalang tauhang medikal ng buong bansa. Pinagtipun-tipon doon ang pinakamabuting yaman at pinakamalakas na puwersa para maigarantiya ang buhay at kalusugan ng mga maysakit ng COVID-19.

Ibinahagi ng National Healthcare Security Administration ng Tsina, umabot sa 21.5 libong yuan RMB ang gastos ng kada nahawahan ng COVID-19, at lumampas naman sa 150 libo ang gastos ng bawat malubhang maysakit. Bukod sa segurong medikal, binabayaran ang mga ito ng state financial subsidies ng Tsina, bagay na pundamental na nakalutas sa kahirapan sa pondo ng mga maysakit.

Sa pakikibaka laban sa epidemiya, laging ginagawang pokus ang proteksyon at pagsasaalang-alang ang mga mahinang mamamayan. Isinagawa ng pamahalaang Tsino ang isang serye ng hakbanging gaya ng pamimigay ng mga subsidies sa mga mahirap na mamamayan, upang tulungan sila sa pagpawi ng kasalukuyang kahirapan.

Noong Marso 6, ginanap ang simposyum hinggil sa paggarantiya sa tiyak na tagumpay ng pagpawi sa karalitaan kung saan ipinagdiinan ni Xi Jinping na hanggang 2020, papawiin ang kahirapan sa lahat ng populasyon ng kanayunan, batay sa umiiral na pamantayan. Ang pagpawi sa lubos na karalitaan ay mahalagang paraan sa pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao. Maaga ng 10 taon na maisasakatuparan sa Tsina ang target ng pagbabawas ng karalitaan na itinatakda sa UN 2030 Agenda for Sustainable Development.

Sa harap ng epidemiya, nasasadlak sa madilim na panahon ang maraming bansa sa daigdig. Bunga ng mga nagawa ng Tsina, lubos na nababatid ng parami nang paraming bansa ang kahalagahan ng magkakasamang pagpupunyagi at pagtutulungan.

Noong Marso 26, sa pamamagitan ng video link, idinaos ng mga lider ng G20 ang isang espesyal na summit hinggil sa pagharap sa COVID-19. Sa harap ng malaking pagsubok ng sangkatauhan, iniharap ng Tsina ang 4 na mungkahing kinabibilangan ng buong tatag na pagpapabuti ng gawain ng pagtatagumpay sa COVID-19 sa buong mundo, mabisang pagsasagawa ng magkakasanib na pagpigil at pagkontrol ng buong daigdig, aktibong pagsuporta sa mga organisasyong pandaigdig sa pagpapatingkad ng papel, at pagpapalakas ng pagkokoordinahan ng macro-economy policy sa daigdig. Unibersal na kinikilala ang mga ito ng mga kalahok sa summit.

Sa pinakamahirap na oras ng pakikibaka ng Tsina laban sa epidemiya, ipinahayag ang pakikiramay at suporta sa Tsina ng mahigit 170 lider ng iba't ibang bansa at mahigit 40 namamahalang tauhan ng organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Ipinaabot din ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa ang kanilang suporta at pagbati sa mga mamamayang Tsino sa iba't-ibang porma. Hindi kailaman makakalimutan ng mga mamamayang Tsino ang malalim na damdaming ito.

Kasunod ng pagkalat ng epidemiya sa buong daigdig, hanggang noong katapusan ng nagdaang Mayo, ibinahagi na ng Tsina ang karanasan ng pagpigil at pagkontrol at plano ng pagbibigay-lunas sa 180 bansa at mahigit 10 organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Bukod dito, magkakasunod na ipinadala ng Tsina ang mga grupo ng ekspertong medikal sa mga bansang may pangkagipitang pangangailangan, at ipinagkaloob ang pangkagipitang tulong sa halos 150 bansa at 4 na organisasyong pandaigdig. Nagsisikap din ang Tsina hangga't makakaya para makapagbigay-ginhawa sa mga bansang namimili ng mga medikal na materiyal at kagamitan.

Noong Mayo 18, ginanap ang Virtual Meeting ng Ika-73 World Health Organization (WHO). Ipinangako sa pulong ng Tsina na makaraang makagawa ito ng bakuna ng COVID-19, gagawing pampublikong produkto ng buong daigdig ang mga ito.

Bilang isang responsableng bansa, tulad ng dati, magsisikap ang Tsina para mapangalagaan at maigarantiya ang iba't-ibang karapatan ng mga mamamayan at walang humpay na mapasulong ang malusog na pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>