|
||||||||
|
||
Nagbigay kamakailan ang maraming mediang dayuhan ng pansin sa isyung ng pagpapasara ng Amerika ng Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston, at tiniya nila ang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap.
Sinabi ng Associated Press (AP) na bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya, mahigpit ang ugnayan ng Tsina at Amerika. Ang paglala ng relasyong Sino-Amerikano ay magdudulot ng panganib sa Tsina, Amerika at buong daigdig. Posibleng magiging mas masama ang relasyon nila kasabay ng nalalapit na pambansang halalan ng Amerika.
Ipinalalagay ng AP na ang trade war na nagsimula noong 2008 ay tunay na nakapinsala sa kapuwang Tsina at Amerika. Ngayon dahil sa pagkalat ng pandemiya ng COVID-19, posibleng kakaharapin ng kalakalang pandaigdig ang presyur ng pagbaba.
Sa artikulo na lumabas kamakailan, ipinalalagay ng British Broadcasting Corporation (BBC) na ang desisyon ng Amerika na isara ang Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston ay pinakahuling hakbang na nagpasama sa ugnayan ng dalawang bansa. Ngayon nasa pinakamabbang lebel ang relasyong Sino-Amerikano nitong ilang dekadang nakalipas.
Tinaya sa artikulo na palagiang di-matatag at mahigpit ang relasyong Sino-Amerikano bago ang pambansang halalan ng Amerika. Hindi gusto ng Tsina na palalain ang kalagayan, sa isang banda, hindi inaasahan ni Trump na makita ang paglubha ng alitan.
Ang malakas na patakaran para sa Tsina ay magiging popular na tema sa mahabang panahon. Pero, ipinalalagay ni William Cohen, Dating Defense Secretary ng Amerika, na "mapanganib" na ituring ang Tsina bilang political rival.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |