Ipinatalastas nitong Martes, Hulyo 28, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kapasiyahan ng panig Tsino na suspindihin ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang extradition treaty sa Kanada, Australya at Britanya.
Samantala, sususpindihin din ang kasunduan sa mutual legal assistance sa mga suliraning kriminal sa pagitan ng HKSAR at nasabing tatlong bansa.
Ani Wang, sa katwiran ng pagtatakda ng Tsina ng batas sa pangangalaga sa pambansang seguridad sa HKSAR, unilateral na ipinatalastas kamakailan ng nasabing tatlong bansa ang pagsususpinde ng kasunduan sa paglilipat ng mga nakatakas na salarin sa HKSAR. Ito aniya ay walang pakundangang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at malubhang paglabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig. Buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, dagdag ni Wang.
Saad ni Wang, ang maling aksyon ng panig Kanadyano, Australyano at Britaniko ng pagsasapulitika ng kooperasyon ng hudikatura sa Hong Kong ay matinding sumisira sa batayan ng pagsasagawa ng Hong Kong ng kooperasyon ng hudikatura sa nasabing tatlong panig, at ito ay lumalayo sa simulain ng kooperasyon ng hudikatura sa pangangalaga sa katarungan at pangangasiwa alinsunod sa batas.
Salin: Vera