|
||||||||
|
||
Ipinahayag Hulyo 29, 2020, ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ang mga konkulusyon at hakbangin na ipinalabas kamakailan ng Unyong Europeo hinggil sa National Security Law ng Hong Kong ay mali.
Ayon sa naturang mga hakbangin ng EU, pinaplano nitong ipagkakaloob ang mas maluwag na patakaran ng asylum, migrasyon at paninirahan sa mga taga-Hong Kong.
Ito ay maliwanag na pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong, at labis itong tinututulan ng HKSAR.
Ipinahayag ng tagapagsalita ng pamahalaan ng Hong Kong na dapat maging aktuwal at makatwiran ang mga miyembro ng EU at iwasang isagawa ang mga hakbangin na makakapinsala sa pangmalayuang relasyon ng Hong Kong at EU.
Tinukoy ng tagapagsalita na ang bawat bansa ay may karapatan at obligasyon sa pangangalaga sa seguridad ng sariling bansa, at ang seguridad ng bansa ay kapangyarihan ng sentral na pamahalaan.
Aniya, hindi isinakatuparan ng pamahalaan ng Hong Kong ang responsibilidad na ito nitong 23 taong nakaraan kaya hindi nito napangalagaan ang seguridad ng bansa sa pamamagitan ng lokal na batas.
Ang pagtatakda aniya ng National Security Law ng Hong Kong ay angkop sa Konstitusyon at puntamental na batas, at makatwiran ito.
Hindi maaapektuhan ng National Security Law ng Hong Kong ang awtonomo ng Hong Kong, pagsasarili ng hutisya, at lehitimong karapatan ng mga taga-Hong Kong.
Ang batas na ito ay nakatuon lamang sa mga taong grabeng pumipinsala sa seguridad ng bansa, at mapapangalagaan nito ang buhay, ari-arian, pundamental na karapatan, at kalayaan ng karamihan sa mga ordinaryong mamamayan, diin pa niya.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |