Kaugnay ng grabeng negatibong epekto sa lipunan na dulot ng kahatulan ng Mataas na Hukuman ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) tungkol sa "Anti-Mask Law," ipinalalagay ng maraming eksperto ng Chinese mainland na nagiging "unconvincing" ang kaukulang kahatulan, at kulang ito sa pag-unawa ito. Ang paggawa nito ng nasabing kahatulan ay lampas sa saklaw ng kapangyarihan bilang hukuman ng Hong Kong, at grabe itong nagbabanta sa kapangyarihan ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Ito ay hindi nakakatulong sa pagpapanumbalik ng kaayusang panlipunan ng Hong Kong, at nagdudulot ng mas mahigpit na situwasyon sa nasabing lugar.
Tinukoy ni Li Xiaobing, Punong Tagapagganap ng Sentro ng Pananaliksik sa Taiwan, Hong Kong, at Macao ng Nankai University, na ang nasabing kahatulan ng Mataas na Hukuman ng HKSAR ay matinding nakakaapekto sa pagsisikap ng pamahalaan nito sa pagpigil sa karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan. Aniya, ang inilabas na regulasyon ng pamahalaan ng HKSAR ay ganap na angkop sa kapakanan ng mga mamamayan, at ito ay lehitimo at makatuwiran.
Sinabi rin ni Chen Yonghua, mananaliksik ng Institutong Pananaliksik sa Pangangasiwa sa Estado ng Tsinghua University, na palalalain lamang ng naturang kahatulan ang kasalukuyang maigting na situwasyon sa Hong Kong. Ito aniya ay magdudulot ng grabeng negatibong epekto sa nasabing lugar.
Salin: Li Feng