Ipinatalastas nitong Huwebes, Hulyo 30, 2020 ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ipapadala ng mga hukbong panlupa at panghimpapawid ng People's Liberation Army (PLA) ang mga tauhan para dumalo sa 2020 International Army Games na gaganapin sa Rusya mula Agosto 23 hanggang Setyembre 5 ng taong ito.
Saad ni Ren, sa masusing panahon ng magkakapit-bisig na paglaban ng buong mundo sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), layon ng pagpapadala ng panig Tsino ng koponan sa nasabing palaro ay para ibayo pang palakasin ang estratehikong koordinasyon ng tropang Tsino't Ruso, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa larangan ng pagsasanay na militar, mapagkaibigang makipagpalitan sa mga koponan ng iba't ibang bansa, at walang humpay na pataasin ang kakayahan ng tropa sa pagsasanay at paghahanda sa digmaan.
Salin: Vera