Beijing, Biyernes, Hulyo 31, 2020—Ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pormal na pagsasaoperasyon ng BeiDou-3 Navigation Satellite System (BDS).
Ginanap sa Beijing nang araw ring iyon ang seremonya ng pagtatatag at pagsasaoperasyon ng BDS. Ito ay mahalagang imprastrukturang pangkalawakan na nagsasariling itinatag at pinatatakbo ng Tsina.
Binasa sa seremonya ni Zhang Youxia, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC), ang mensaheng pambati ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Konseho ng Estado at CMC, kung saan binigyan ng mataas na pagtasa ang katuturan ng pagtatatag ng BDS, at nangungumusta sa mga departamento't tauhang kasali sa pananaliksik at pagtatatag ng BDS.
Salin: Vera