|
||||||||
|
||
Ngayong araw, Agosto 6, 2020, ay deadline ng ekstensyon ng visa ng mga mamamahayag na Tsino sa Amerika. Isinumite na ng mga mamamahayag na Tsino ang aplikasyon ng ekstensyon ng bisa sa Amerika, pero hanggang ngayon, walang anumang maliwanag na tugon mula sa panig Amerikano. Sinabi ito ngayong araw ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na presscon sa Beijing.
Binigyan-diin din niya na kamakailan, walang humpay na pinapalakas ng Amerika ang pulitikal na pagpigil sa mediang Tsino dahil sa ideya ng Cold War at may pagkiling na ideolohiya ng Amerika. Ang kinauukulang aksyon ng Amerika ay malubhang humadlang sa normal na trabaho ng mediang Tsino sa Amerika, at nakapinsala ng reputasyon nila. Dapat isabalikat ng Amerika ang lahat ng responsibilidad para sa kasalukuyang kalagayan. Dapat agarang iwasto ng Amerika ang kamalian at itigil ang aksyong tulad nito. Kung hindi, isasagawa ng Tsina ang kinakailangang countermeasures para pangalagaan ang sariling makatwirang kapakanan.
Noong Mayo 8, 2020, pinaikli ng Amerika ang bilang ng araw ng bisa ng mga mamamahayag na Tsino sa Amerika sa 90 araw, at hiniling sa mga mediang Tsino na mag-apply ng ekstensyon ng bisa kada 3 buwan.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |