|
||||||||
|
||
Dahil sa matinding kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinasiya kamakailan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina, na pansamantalang ipagpaliban ang halalan ng lupong lehislatibo.
Ayon sa mga personahe ng ibat-ibang sirkulo ng Hong Kong, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay at kapakanan ng mga mamamayan, at angkop sa mithiin ng karamihan sa mga taga-Hong Kong.
Pagpasok ng Hulyo, sumiklab ang ika-3 round ng epidemiya ng COVID-19 sa Hong Kong.
Ayon sa pagtaya, kung gaganapin ang nasabing halalan ayon sa nakatakdang iskedyul, mahigit 3 milyong botante ang boboto, at ang pagtitipun-tipon ng mga tao ay maaaring humantong sa pagkahawa.
Dahil dito, ipinasiya ng punong ehekutibo at Executive Council ng HKSAR na ipagpaliban ang halalan para sa lupong lehislatibo.
Kinakailangan at angkop ang naturang kapasiyahan, at ito ay nagpapakita ng lubos na pananagutan sa seguridad ng buhay at kalusugan ng mga residente ng Hong Kong.
Hanggang Biyernes ng gabi, Agosto 7, 2020, lampas na sa 1.5 milyong taga-Hong Kong ang sumusuporta sa pagpapaliban sa naturang halalan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |