Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglaban sa pandemiya, priyoridad ng Hong Kong

(GMT+08:00) 2020-07-30 18:11:52       CRI

Muling sumiklab kamakailan sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang ika-3 round ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nitong nakalipas na ilang araw, lampas na sa 100 ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Dahil dito, nawalan ng trabaho ang maraming taga-Hong Kong, at nahaharap sa malubhang banta ang buhay at kalusugan ng mga residente.

Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang epidemiya, may kakulangan sa yamang medikal, at napakalaki ng presyur sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa mga komunidad.

Ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ay nagsisilbing unang priyoridad ng pamahalaan ng HKSAR.

Kaugnay nito, pangkagipitang ipinatalastas ng pamahalaan ng HKSAR ang bagong round ng mga hakbangin sa pagpigil sa pandemiya.

Nanawagan naman ang mga taga-Hong Kong sa pamahalaan na itakda ang mas mahigpit na hakbangin.

Sa kabilang dako, malinaw na ipinahayag ng pamahalaang sentral ng Tsina na ipagkakaloob sa Hong Kong ang lahat ng mga kinakailangang suporta at tulong, para maigarantiya ang kalusugan at seguridad ng buhay ng mga kababayan sa Hong Kong.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>