|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Martes, Agosto 11, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng pamahalaan ng Azerbaijan, dumating ng Baku, Kabisera ng Azerbaijan, ang grupo ng mga dalubhasang medikal ng Tsina noong Agosto 4.
Mananatili sila sa Azerbaijan nang dalawang linggo, para ipagkaloob ang pagsasanay at patnubay sa mga tauhan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at mga tauhang medikal doon, aniya.
Saad pa ni Zhao, ang naturang grupong Tsino ay mainit na tinatanggap at lubos na pinupurihan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Azerbaijan.
Tinukoy niyang sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at Azerbaijan, bagay na nagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Nananalig ni Zhao na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, tiyak na mapagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |