|
||||||||
|
||
Sina Huang Xilian (sa kanan), Embahador ng Tsina sa Pilipinas, at Mark A. Villar (sa kaliwa), Kalihim ng DPWH
Sa kanilang video conference Hulyo 31, 2020, pinag-usapan nina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Mark A. Villar, Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinakahuling progreso ng mga proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina't Pilipinas.
Anila, layon ng pag-uusap na pahupain ang epektong dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at ipagpatuloy ang mga proyekto ng impraestruktura sa ilalim ng Belt and Road Initiative at Build, Build, Build program, tungo sa pagkakaroon ng pakinabang ng mga mamamayang Pilipino sa lalong madaling panahon.
Sinabi pa nilang dahil sa pandemiya, ibayo pang lumakas ang pagpapalitan ng dalawang panig, at bunga nito, nagbalik-konstruksyon na ang higit 80% ng mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang pamahalaan.
Impresyon ng isang alagad ng sining sa Binondo-Intramuros Bridge
Kasalukuyang pinamamahalaan ng DPWH ang pagtatayo ng 14 na proyektong pangkoopersyon: 3 sa mga ito ay natapos na, samantalang 11 iba pa ay nasa estado ng konstruksyon.
Kabilang dito, ang Estrella-Pantaleon Bridge, na nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong ay nakatakdang matapos sa Disyembre 2020.
Samantala, ang Binondo-Intramuros Bridge sa Manila ay nakatakda namang matapos sa Marso 2021.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio / Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |