Noong Agosto 14, nilagdaan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang kautusang administratibo na nagsasabi sa ByteDance company na tanggalin ang negosyo ng TikTok sa Amerika sa loob ng 90 araw. Ipinahayag din niya na ayon sa mapagkakatiwalaang ebidensya, nagsasagawa ang kompanyang ito ng mga kilos na nagsasapanganib sa pambansang seguridad ng Amerika.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Agosto 17, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing hegemonyang kilos ay lantarang pagtanggi sa market economy at prinsipyo ng pantay na kompetisyon na palagiang ipinagmamalaki ng panig Amerikano, paglabag sa regulasyon ng kalakalang panlabas, buong tikis na pagpinsala sa kapakanan ng ibang bansa, at sa sariling kapakanan ng Amerika.
Dagdag ni Zhao, sa mata ng ilang politikong Amerikano, ang "pambansang seguridad" ay marahil nagiging one-size-fits-all pretext ng ilang politikong Amerikano sa paglikha ng problema at kaguluhan sa ibang bansa, at walang batayan at bastos na pagpigil at pag-atake sa mga non-US companies.
Sinabi niya na ang nasabing insidente ay muling nagpapatunay na ang umano'y kalayaan at kaligtasan, at pangangatwiran lamang ng politikong Amerikano sa pagtutupad ng "digital gunboat policy." Hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian nito, itigil ang pagdungis sa Tsina, at itigil ang walang batayang pagpigil at pag-atake sa mga kompanya ng ibang bansa.
Salin: Lito