Sakay ng chartered flight, dumating ng Beijing nitong Lunes ng gabi, Agosto 17, 2020 ang lahat ng kawani mula sa isinarang Consulate General ng Tsina sa Houston. Sinalubong sila ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na sa harap ng paglabag ng panig Amerikano sa pundamental na norma ng relasyong pandaigdig at pagpapasara ng Konsuladong Tsino sa Houston, natupad ng lahat ng consular staff ang kanilang tungkulin bilang diplomata. Aniya, sa napakahirap at napakamapanganib na kalagayan, buong tatag nilang napangalagaan ang nukleong kapakanan at dignidad ng bansa at nasyon, at buong tatag ding napangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng organong Tsino sa ibang bansa.
Ipinahayag din ni Wang na ang kaganapan sa Konsuladong Tsino sa Houston ay nagpapakitang ginagamit ng mga puwersang kontra-Tsina sa Amerika ang lahat ng paraan para sirain ang relasyong Sino-Amerikano at pigilin ang pag-unlad ng Tsina. Ngunit ito ay tumataliwas sa tunguhin ng kasaysayan, at hinding hindi ito magtatagumpay, diin pa niya.
Salin: Lito