Sa isang news briefing nitong Huwebes, Agosto 20, 2020, sinabi ni Yu Kangzhen, Pangalawang Ministro ng Agrikultura at Kanayunan ng Tsina, na pagpasok ng flood season, ang medyo malalang kalamidad ng baha sa ilang rehiyon ng Tsina ay nagdulot ng masamang epekto, pero nananatiling matatag ang kabuhaya't lipunan ng agrikultura at kanayunan ng bansa, at may lubos na garantiya ang seguridad ng pagkaing-butil.
Saad ni Yu, kung hindi magaganap ang malaking kalamidad sa darating na ilang buwan, magiging masagana ang ani sa taong ito. Samantala, nananatili pa ring sapat ang reserba ng pagkaing-butil sa kasalukuyan, kaya hindi magbabago at patuloy na matatag ang presyo ng pagkaing-butil.
Salin: Vera