|
||||||||
|
||
Sa pakikipag-usap nitong Linggo, Agosto 23, 2020 kay Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ngayo'y magkasanib na ginunita ng dalawang bansa ang ika-20 anibersaryo ng pagtiyak ng hanggahang panlupa at ika-10 anibersaryo ng pagtatayo ng markang panghanggahan ng ng Tsina at Biyetnam.
Kaugnay nito, nilagom aniya ng dalawang panig ang mga mabuting karanasan at nilinaw ang hangrin ng mga gawain sa susunod na hakbang.
Sinabi ni Wang na magkasama nilang binisita ni Pham Binh Minh ang Eksbisyon ng Mapagkaibigang Aktibidad ni Pangulong Ho Chi Minh, sa purok panghanggahan ng Tsina at Biyetnam noong nakaraan.
Aniya Wang, napakalaking katuturan ng nasabing mga aktibidad na nagpapatunay na di madaling natamo ang pagkakaibigang Sino-Biyetnames.
Diin pa niya, magiging mas malakas at masigla ang relasyong Sino-Biyetnames makaraan itong subukin ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina.
Ipinapauna aniya ng Biyetnam ang pagpapaunlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa bilang preperensyal na pagpili ng gawaing diplomatiko nito.
Malalim ding nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |