|
||||||||
|
||
Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Hulyo 12, 2019 kay Nguyen Thi Kim Ngan, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam, sinabi ni Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames para mapasulong pa ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalawak ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, mapalalim ang mainam na damdamin ng mga mamamayan, at mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ani Wang, pinahahalagahan ng CPPCC ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon sa Vietnam Fatherland Front (VFF). Nakahanda aniya itong ibayo pang palakasin ang pagpapalagayan ng dalawang panig para makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pagsasakatuparan ng sariling katatagan at kaunlaran ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen Thi Kim Ngan ang kahandaang magsikap kasama ng Tsina para mapalalim ang kooperasyong pangkaibigan sa iba't-ibang larangan at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |