|
||||||||
|
||
Muling tinutulan ng Tsina ang kahilingan ng Amerika na ipataw ng United Nations Security Council (UNSC) ang panibagong sangsyon sa Iran.
Iniharap ito Agosoto 25, 2020 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN.
Ipinalalagay ng mga kalahok na panig sa isyung nuklear ng Iran at karamihan ng mga miyembro ng UNSC na nawalan ang Amerika ng kwalipikasyon upang ihain ang panukalang ito. Walang katibayan at katwiran ang kahilingan ng Amerika, at hindi maaaring simulan ang mekanismong ito, saad ni Zhang.
Binigyan-diin din ni Zhang na dapat lubos na igalang ng UNSC ang palagay ng komunidad ng daigdig, buong tatag na pangalagaan ang sariling nitong kredibilidad at awtoridad, aktuwal na isakatuparan ang responsibilidad ng pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan.
Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang kinauukulang panig, para pasulungin ang paglutas ng isyung nuklear ng Iran.
Ang Indonesiya ay tagapangulong bansa ng UNSC ngayong Agosto. Ipinahayag ni Dian Triansyah Djani, Embahador ng Indonesiya sa UN, na kung magkakaroon ng pagkakaiba ng opinyon sa pagitan ng mga miyembro ng UNSC sa isyung ito, hindi papayagan ng tagapangulo ng UNSC ang Amerika na isagawa ang naturang balak nito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |