|
||||||||
|
||
Sinabi minsan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang paghahanap ng kaligayaan ng mga mamamayang Tsino at pag-ahon ng nasyong Tsino ay layunin ng pagsasagawa ng Tsina ng patakarang "reporma at pagbubukas sa labas."
Ang Shenzhen, na siyang kauna-unahang Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Tsina, ay palagian aniyang nagpapakita ng lakas ng pag-unlad, at init mula sa puso ng mga mamamayan.
Bilang bata at masiglang lunsod, naaakit ng Shenzhen ang mga mangangalakal para magbukas ng negosyo. Sa Tsina, nasa unang puwesto ang Shenzhen sa pag-aakit ng mga talento mula sa loob at labas ng bansa.
Noong ilang taon ang nakararaan, itinatag sa Shenzhen ang komprehensibong sistema ng seguridad na panlipunan, at ipinalabas din ang serye ng patakarang preperensyal sa paglalagak ng puhunan.
Noong Hulyo 2020, ang Shenzhen ay naging isa sa "Top 10 Better Life Cities (2019-2020)" at ito ay pinakamagandang papuri ng mga mamamayan sa lunsod na ito.
Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi, na "Dapat buong lakas na lutasin ang problema ng mga mamamayan, hayaan silang maging masaya, walang humpay na pasulungin ang komprehensibong pag-unlad at komong kayamanan ng mga mamamayan," walang humpay na nagpupunyagi ang Shenzhen upang sundin ang mga atas na ito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |