|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng 40 taong pag-unlad, ang Shenzhen ngayon ay isang bukas na internasyonal na metropolis, at ito ay tahanan ng maraming internasyonal na dayuhang kompanya.
Ipinahayag ni Benjamin Scheidel, CEO ng Lufthansa Technik Shenzhen na natamo ng lunsod ang kahanga-hangang bunga nitong nakaraang 40 taon, at nasaksihan ng Lufthansa ang proseso ng pag-unlad ng Shenzhen at Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area (GBA).
Sinabi niyang hanggang ngayon, mga 50% ng negosyo ng Lufthansa ay mula sa Tsina.
Sa hinaharap, aniya, mananatiling nakapokus sa Tsina at rehiyong Asya-Pasipikoang pangunahing negosyo ng Lufthansa.
Aniya pa, ang GBA ay nagkakaloob ng mabuting pagkakataon para sa ibat-ibang lunsod para malaman kung paano itatag ang relasyong may dobleng panalo.
Tungkol naman sa kinabukasan ng Shenzhen, umaasa si Scheidel na ipagpapatuloy ng lunsod ang kasaganaan at pag-unlad.
Umaasa rin siya na sa pamamagitan ng mga hakbangin ng reporma, mas mapapasulong ang mas mabilis na pag-unlad ng Shenzhen at GBA, at magiging maunlad na rehiyon sa buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |