|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan nitong Miyerkules, Agosto 26, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, nahaharap sa problema ang relasyong Sino-Canadian, at walang pananagutan dito ang panig Tsino.
Aniya, dapat agarang isagawa ng panig Kanadyano ang mabisang hakbangin, upang iwasto ang kamalian, at likhain ang kondisyon para sa pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa normal na landas.
Ayon sa impormasyon ng Ministring Panlabas ng Kanada, sa kanyang pakikipagtagpo kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, binanggit ni François-Philippe Champagne, Ministrong Panlabas ng Kanada, ang kaso ng mga mamamayang Kanadyano na gaya nina Michael Kovrig at Michael Spavor.
Nanawagan siya sa panig Tsino na sang-ayunan ang pagbisita ng Canadian consul sa kanila.
Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na sina Michael Kovrig at Michael Spavor ay pinaghihinalaang nagsagawa ng mga aktibidad na nagsapanganib sa pambansang seguridad ng Tsina.
Hinahawakan aniya ng awtoridad na hudisyal ng Tsina ang kanilang kaso alinsunod sa batas, samantalang iginagarantiya ang lehitimo nilang karapatan.
Dagdag ni Zhao, sa proseso ng pakikipag-ugnayan sa panig Kanadyano, inihayag ng panig Tsino ang paninindigang dapat sundin ng panig Kanadyano ang diwa ng pangangasiwa alinsunod sa batas, at igalang ang soberanyang hudisyal ng Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |