Lumabas nitong Martes ng umaga, Mayo 27, 2020 (Vancouver time), ang hatol ng hukumang Kanadyano kaugnay ng kaso ng ekstradisyon ni Meng Wanzhou, Huawei Technologies Chief Financial Officer (CFO). Ipinalalagay nitong ang kaso ni Meng ay umaangkop sa pamantayan ng "double criminality," at ipagpapatuloy ang extradition case laban sa kanya. Resulta nito, mananatili si Meng sa Kanada para dumalo sa susunod na mga pagdinig at hihintayin ang bagong hatol.
Tungkol dito, ipinalabas ng Huawei Company ang lubos na kalungkutan. Ayon sa pahayag ng Huawei, nananalig itong inosente si Meng. Patuloy nitong kakatigan si Meng sa paghahanap ng pantay na kahatulan at kalayaan, dagdag pa nito.
Salin: Lito