Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Paghahanap ng kapayapaan at pagtutulungan sa SCS, pagkakasundo ng mga bansa sa rehiyong ito

(GMT+08:00) 2020-08-28 11:41:49       CRI

Sa pangangatuwiran ng pagiging bahagi sa pagtatayo ng artipisyal na isla sa South China Sea (SCS), ipinatalastas nitong Miyerkules, Agosto 26, 2020 ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang pagpapataw ng sangsyon sa 24 na kompanyang Tsino.

Nang araw ring iyon, ipinasiya ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na isagawa ang umano'y "visa ban" sa mga mamamayang Tsino na kalahok sa mga konstruksyon sa isla at reef sa karagatan ng SCS. Ito ang pinakahuling kilos ng panig Amerikano kaugnay ng pagmamalabis ng long arm jurisdiction at walang-galang na panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina na buong tikis na lumalabag sa pandaigdigang batas at norma ng relasyong pandaigdig.

Bilang tugon sa nasabing kilos ng hegemonya, tiyak na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang anti-measures para buong tatag na ipagtanggol ang sariling soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran.

May sapat na batayang historikal at pambatas ang Tsina sa soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat sa SCS. Ang pagsasagawa ng Tsina ng kaukulang konstruksyon sa sariling teritoryo ay makatwiran at lehitimo na nagiging ganap na suliraning panloob nito. Lalong lalo na, ang aksyong ito ay nakakatulong sa pagkakaloob ng mas mabuting pampublikong serbisyo sa mga bansa sa rehiyong ito sa halip na nakatuon at nakakaapekto sa anumang bansa.

Sa katotohanan, maagang nalaman ng mga bansa sa rehiyong ito na ang Amerika na puspusang nagpupukaw ng "isyu ng SCS" ay siyang pinakamalaking maritime hegemony country sa buong daigdig.

Malinaw na ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na hindi lalahok ang kanyang bansa sa anumang ensayong militar na i-oorganisa ng Amerika.

Ayon sa "Yomiuri Shimbum" ng Hapon, talagang ninanais ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na iwasan ang paglala ng kanilang relasyon sa Tsina. Sa kalagayan ng pagkakasundo ng mga bansa sa rehiyong ito sa paghahanap ng kapayapaan at kooperasyon, walang anumang kuwenta ang mga nagawang kaligalihan ng politikong Amerikano sa nasabing karagatan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>