|
||||||||
|
||
Di-makatarungang ginigipit ng ilang politikong Amerikano ang mga dayuhang kumpanya, sa katwiran ng pangangalaga sa seguridad ng bansa, sila'y nagmamalabis sa paggamit ng kapangyarihan ng estado. Ang aksyon ng pamimirata na ito ay nakasira sa karapatan ng mga konsumer at kumpanya sa Amerika at ibang bansa. Tiyak na tututulan ito ng komunidad ng daigdig.
Ipinahayag ito Agosto, 27, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular ng presscon sa Beijing.
Ayon sa resulta survey ng American Chamber (AmCham) sa Shanghai na isinapubliko nitong Agosto 26, ipinalalagay ng halos 90% respondents na ang Wechat ban na isasagawa ng pamahalaang Amerikano ay magdudulot ng negatibong epekto sa kanilang negosyo. Ipinalalagay ng halos 1/3 ng respondents na maaaring humantong din nito sa pagkalugi ng negosyo nila sa buong daigdig.
Tinukoy ni Zhao na ang aksyon ng Amerika ay pagtanggi sa prinsipyo ng market economy at pagkakapantay-pantay, na palagiang pinangangalandakan ng Amerika. Niyuyurakan nito ang prinsipyong pandaigdig,at kooperasyong pansiyensiya at pangteknolohiya ng iba't ibang bansa na umaasenso sa tulong ng globalisasyon.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |