|
||||||||
|
||
Ipinalabas Agosto, 24, 2020, ni Mark Esper, Kalihim Pandepensa ng Amerika, ang artikulong pinamagatang "Nakahanda ang Pentagon para sa Tsina."
Kugnay nito, ipinahayag Agosto 26, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang anumang basehan ang pananalita ni Esper.
Iniharap din ni Zhao ang isang rekomendasyon, dalawang katotohanan at tatlong tanong kay Esper.
Ayon sa rekomendasyon ni Zhao, dapat basahin ni Ginoong Esper ang buong teksto ng hitik sa kasinungalingang talumpati ni Mike Pompeo hinggil sa Tsina, na inihambing sa makatotohanang artikulong ipinalabas ng panig na Tsino. Sa artikulong ito, inilantad ang katotohanan at tunay na datos hinggil sa mga kasinungalingang ipinapakalat ni Pompeo, kaugnay ng di-umano'y "Banta ng Tsina."
Samantala, ang dalawang katotohanang isinaad ni Zhao ay ang mga sumusunod: una, mula noong 1990, nakisangkot ang tropang Tsino sa mahigit 20 misyong pamayapa ng United Nations (UN), at ipinadala ang mahigit 4,000 tauhan sa mga misyong ito.
Dahil dito, ang Tsina aniya ang bansang nagpadala ng pinakamaraming tropang Pamayapa sa mga misyon ng UN.
Pangalawa, sa mahigit 240 taong kasaysayan ng Amerika, 16 taon lamang ang walang digmaan.
Dagdag pa ni Zhao, lampas sa 716 trilyong dolyares ang badyet ng hukbong sandatahan ng Amerika noong 2019.
Sa kabilang banda, ipinagdiinan ni Zhao na sa mula't mula pa'y, nananangan ang Tsina sa polisiya ng depensang pansarili lamang, at sa kapuwa Konstitusyon ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC) at Konstitusyon ng Republika ng Bayan ng Tsina, maliwanag na makikita ang patakaran ng mapayapang pag-unlad at pagtutol sa hegemonya.
Hinggil dito, tatlong tanong ang ipinaabot ni Zhao kay Esper: una, maaari bang ipangako ng Amerika na mananangan ito sa parehong alituntunin? Ang ikalawa, sino ba ang mayroong daan-daang base militar sa buong daigdig? At ikatlo, sino ba sumusunod sa ideya ng Cold War at nagpupumilit sumira sa kaayusan ng daigdig?
Kung igagalang ng ilang politikang Amerikano ang katotohanan, maaari nilang matagpuan ang tumpak na kasagutan, mariing saad ni Zhao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |