Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Agosto 29, 2020 (local time) kay Jean Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pinakamalaking natamong konsenso ng Tsina at iba't-ibang bansang napuntahan niya sa kanyang biyahe sa Europa, ay ang pagigiit ng multilateralismo.
Sinabi niya na ang multilateralismo ay sandigan ng nakakaraming bansa, partikular ng mga katamtama't maliit na bansa.
Bilang kapuwa responsableng bansa, dapat aktibong itaguyod at ipatupad ng Tsina at Pransya ang multilateralismo, aniya pa.
Kaugnay nito, iniharap ni Wang ang 4 na mungkahi: una, dapat igiit ang ideya ng multilateralismo; ikalawa, dapat isagawa ang multilateral na aksyon; ikatlo, dapat tupdin ang multilateral na kasunduan; ikaapat, dapat palakasin ang mga organong multilateral.
Salin: Lito