|
||||||||
|
||
Ipinadala Linggo, Enero 27, 2019, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya ang mensahe sa isa't-isa bilang pagdiriwang sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 55 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, lumalawak ang pagpapalitan at pagtutulungan; bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayang Tsino't Pranses. Nakahanda aniya ang panig Tsino na sa pagkakataon ng naturang anibersaryo, walang humpay na pataasin ang lebel ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlarang pandaigdig.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Macron na lipos ang di-tiyak na elemento sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, at bilang kapwa pirmihang kasaping bansa ng United Nations (UN) Security Council, napapatingkad ng Pransya at Tsina ang espesyal na papel sa pangangalaga sa multilateral na kaayusang pandaigdig. Sinabi pa ni Macron, na lubos niyang pinahahalagahan ang pagkakaibigang Pranses-Sino at komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa. Nakahanda ang Pransya na magsikap kasama ng Tsina para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng enerhiyang nuklear, abiyasyon, pagkaing agrikultural, at kabuhayan at kalakalan, dagdag ng pangulong Pranses.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |