|
||||||||
|
||
Minsa'y sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na malalim siyang naaakit sa kasaysayan, pilosopiya, literatura, at sining ng Pransya. Binanggit niya ang maraming napakabantog na alagad ng sining at kultura, at maraming beses din niyang sinipi ang mga nilalaman tungkol sa kulturang Pranses, bagay na nagpapakita ng kanyang lubos na pagkagusto sa kulturang Pranses.
Una, mga French ideologist na inirerekomenda ni Xi Jinping
Voltaire
"Habang nagbabasa ng mga aklat tungkol sa modernong kasaysayan, partikular tungkol sa French Revolution history, napapayaman ang kaisipan ko sa tunguhin ng prosesong panlipunan at pampulitika ng sangkatauhan. Makaraang basahin ang mga akda nina Montesquieu, Voltaire, Jean-Jacques Rousseau, Denis Diderot, at iba pa, napapalalim ang kaalaman ko tungkol sa papel ng pagsulong ng ideya para sa progreso ng lipunan ng sangkatauhan."
Ito ay hango sa talumpati ni Xi Jinping sa Pulong bilang Paggunita sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pransya (Marso 27, 2014)
Ikalawa, mga alagad ng literatura ng Pransya na inirerekomenda ni Xi Jinping
Honoré·de Balzac
Victor Hugo
Makaraang basahin ang mga akda nina Michel Eyquem de Montaigne, Jean de la Fontaine, Jean Baptiste Poquelin, Marie-Henri Beyle, Honoré·de Balzac, Victor Hugo, Alexandre Dumas, at iba pa, naragdagan ang damdamin ko sa mga kaligayahan at kalungkutan sa pamumuhay ng sangkatauhan.
Hango sa talumpati ni Xi Jinping sa Pulong bilang Paggunita sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pransya (Marso 27, 2014)
Ikatlo, mga alagad ng sining na inirerekomenda ni Xi Jinping
Makaraang i-enjoy ang mga kanta nina Jean-Francois Millet, Édouard Manet, Edgar Degas at iba pa, napataas ang kakayahan ko sa pag-enjoy sa sining.
Hango sa talumpati ni Xi Jinping sa Pulong bilang Paggunita sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pransya (Marso 27, 2014)
Ikaapat, mga klasikal na aklat ng Pransya na inirerekomenda ni Xi Jinping
"Les Misérables" ni Victor Hugo
"Scarlet and Black" ni Marie-Henri Beyle
"La comédie humaine" ni Honoré·de Balzac
Ang mga aklat ng Pransya na gaya ng "Scarlet and Black" ni Marie-Henri Beyle, "La comédie humaine" ni Honoré·de Balzac, "Les Misérables" ni Victor Hugo, at iba pa, ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Ang dakilang akda ay may napakalakas na puwersa.
Hango sa talumpati ni Xi Jinping sa Literary Work Symposium (Oktubre 15, 2014)
Ikalima, mga bantog na kasabihang Pranses na sinipi ni Xi Jinping
Maraming beses na sinipi ni Xi Jinping ang mga bantog na kasabihang Pranses sa kanyang mga talumpati. Ipinakikita nito ang kaalaman at pagkaunawa niya sa kulturang Pranses.
Salin: Li Feng
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |