|
||||||||
|
||
Sa kabila ng pagsunbok na nararanasan ngayon ng kabuhayang Tsino dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinakikita pa rin nito ang malakas na pleksibilidad at potensyal ng pag-unlad.
Ayon sa imbestigasyon kamakailan ng media ng Amerika, positibo sa prospek ng kabuhayang Tsino ang maraming personahe mula sa sirkulo ng bahay-kalakal sa buong daigdig.
Ipinalalagay nilang maisasakatuparan ng kabuhayang Tsino ang matatag na paglaki.
Global CFO Council ng CNBC: mas positibo sa kabuhayang Tsino kumpara sa kabuhayang Amerikano
Pagbabalita ng CNBC noong Agosto 28
Ayon sa ulat ng imbestigasyon para sa ika-3 kuwarter na isinapubliko nitong Biyernes, Agosto 28, 2020 ng Global CFO Council ng Consumer News and Business Channel (CNBC), mas optimistiko ang prospek ng mga Chief Financial Officer (CFO) ng buong daigdig sa kabuhayang Tsino kumpara sa prospek nila sa kabuhayang Amerikano.
Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na nagkaroon ng optimistikong atityud ang maraming CFO ng Amerika sa kabuhayang Tsino.
Pagtaya ng Global CFO Council sa kasalukuyang kabuhayang Tsino at Amerikano (photo source: CNBC)
Ayon sa CNBC, ang pesimistikong prospek sa kabuhayan at merkadong Amerikano ay nagpapakitang nananatiling di-tiyak ang kalagayan ng mga malaking bahay-kalakal sa harap ng pandemiya.
Sa 40 CFO na nakilahok sa imbestigasyon, 25 ang may palagay na ang pandemiya ay ang pinakamalaking panganib na panlabas sa kanilang bahay-kalakal.
Ipinahayag naman ng mga 80% CFO na ang pandemiya sa taong ito ay magdudulot ng negatibo o napaka-negatibong epekto sa kanilang bahay-kalakal.
Moody's, itinaas ang pagtaya sa bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2020
Bukod sa mga personahe mula sa sirkulo ng bahay-kalakal, positibo rin ang mga organisasyon at organong pandaigdig sa kabuhayang Tsino.
Ayon sa Reuters, dahil sa napakalakas na pag-ahon ng kabuhayang Tsino noong ika-kuwarter, itinaas kamakailan ng Moody's ang pagtaya nito sa Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina sa taong 2020.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |