|
||||||||
|
||
Mula noong Abril hanggang Hulyo, magkakahiwalay na nag-usap sa telepono o nagpadala ng mensahe sa isa't isa si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at mga lider ng partidong pulitikal ng Laos, Kambodya, Mongolia, at iba pa.
Samantala, magkakahiwalay na idinaos ng CPC, kasama ng mga partidong pulitikal ng Timog Aprika, Vanuatu, Myanmar, at mga bansang Arabe, ang video conference. Binuo rin ng Tsina, kasama ng Pilipinas at Sri Lanka, ang mga mekanismo ng pagsasanggunian sa pagitan ng mga partidong pulitikal tungkol sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative.
Kaugnay nito, sinabi ni Song Tao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng CPC, na kailangang patingkarin ng mga partidong pulitikal ang namumunong papel para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Positibo naman ang mga lider ng mga partidong pulitikal ng ibang bansa sa paggawa ng CPC ng pagsisikap, para palakasin ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19 at tulungan ang mga bansa sa pagpapanumbalik ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |