|
||||||||
|
||
Sa isang panayam kamakailan, binanggit muli ng lider Amerikano ang opinyong "pagkals sa Tsina."
Sinabi niyang ,maliban sa Tsina, may iba pang opsyon ang Amerika.
Kaugnay nito, paulit-ulit ding inilabas ng ilang politikong Amerikano ang katulad na pananalita.
Sa katotohanan, ang mga ito ay "politikal na palabas" lamang sa taon ng pambansang halalan.
Ang opinyong ito ng ilang politikong Amerikano ay parang isang "lason" na mariing tinututulan ng kanilang mga kompanya ng bansa.
Bagama't laging sinusulsulan ng ilang politikong Amerikano ang ideya ng "pagkalas sa Tsina," dahil sa presyur ng sirkukong komersyal ng bansa, walang magawa ang mga politikong ito kundi baguhin ang kanilang atityud.
Ito ay muling nagpapatunay na ang umano'y "pagkalas sa Tsina" ay isang "political show" lamang ng ilang politikong Amerikano para sa kanilang pribadong kapakanang pulitikal.
Sa kasalukuyang globalisadong pangkabuhayan, walang anumang bansa ang maaaring magsakatuparan ng sariling kaunlaran kung walang pagsasaalang-alang sa iba.
Partikular sa "post-pandemic era," ang lahat ng bansa ay may lubos na pangangailangan sa pagpapanumbalik ng produksyon at trabaho, pagpapanumbalik ng normal na operasyon ng kabuhayan, at paggarantiya sa katatagan ng sariling industrial at supply chains.
Dahil dito, sa pamamagitan lamang ng pagtutulungan ng iba't-ibang bansa, mapapawi ang kahirapan at maisasakatuparan ang hangarin sa pag-unlad.
Walang duda, kinakailangan ng mga bahay-kalakal na Amerikano ang merkadong Tsino.
Nitong mahigit 40 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, natamo ng dalawang panig ang napakalaking bunga sa larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, kultura, at siyensiya't teknolohiya.
Ito ay patunay na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result ang kooperasyong Sino-Amerikano, at nakikinabang dito ang dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Dapat mataimtim na pakinggan ng ilang politikong Amerikano ang rasyonal na tinig mula sa sirkulong komersyal ng kanilang bansa, itigil ang pagsulsol sa umano'y "pagkalas sa Tsina," itigil ang pagpinsala sa kapakanan ng mga kompanyang Amerikano, at isabalikat ang karapat-dapat na responsibilidad para mapa-ahon ang kabuhayang Amerikano sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |