Ang mga mamamayang Tsino ang tanging may tunay na pang-unawa kung mabuti o hindi ang sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino, sa halip na ilang pulitikong Amerikano.
Ipinahayag ito Agosto 31, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa naging pahayag ni Robert C. O'Brien, US National Security Adviser.
Ayon sa ulat, sa isang online event para sa Atlantic Council, binatikos ni O'Brien ang Tsina hinggil sa mga isyung may kinalaman sa sistemang pulitikal, Taiwan, Hong Kong at South China Sea. Sinabi din niyang dapat gamitin ang Sistema ng Alyansa ng Amerika para harapin ang "hamon" mula sa Tsina at Rusya.
Sa katotohanan, alam na alam ng komunidad ng daigdig sa pagtatangka ng Amerika na magkalat ng kasinungalingang may kinalaman sa Tsina at palawigin ang pansin na banta ang Tsina, at hindi mananaig ito, mariing pahayag ni Zhao.
Salin:Sarah