Isasagawa ng Tsina ang kinakailangang aksyon bilang tugon sa pagbisita ng Ispiker ng Senado ng Czech Republic sa Taiwan, dahil ito ay malubhang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Ipinahayag ito Setyembre 1, 2020, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sa preskon na magkasamang nilahukan niya at ni Heiko Josef Maas, Ministrong Panlabas ng Alemanya.
Mayroong iisang Tsina lang sa buong daigdig. Ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Ito ay komong palagay ng komunidad ng daigdig. Ang prinsipyong Isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong diplomatiko ng Tsina sa ibang bansa, na kinabibialangan ng Czech Republic, saad ni Wang.
Sinabi din ni Wang na ang pagbisita ng Ispiker ng Senado ng Czech Republic sa Taiwan ay hayagang probokasyon na nakatuon sa Tsina. Ang pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Tsina ay responsibilidad ng bawat mamamayang Tsino at departamentong diplomatiko ng Tsina. Sa isyung ito, dapat maliwanag na ipahayag ng Tsina ang paninindigan nito.
Salin: Sarah